Gov’t employees makakakuha ng rice allowance

Gov’t employees makakakuha ng rice allowance

By Liezelle Soriano

Sacks of rice (Photo courtesy of PTV4)

MANILA — Magbibigay ang gobyerno ng rice allowance sa mga manggagawa ng estado upang matulungan silang makayanan ang pagtaas ng halaga ng pamumuhay, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban na gagawa ang DA ng implementing rules and regulations (IRR) para sa pamamahagi ng rice allowance kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magbigay ng karagdagang suporta sa mga empleyado ng estado.

“The distribution of rice allowance forms part of the efforts of the current administration to assist local rice farmers while reducing hunger and ensuring that families will have safe and quality rice as part of their meal,” ayon kay Panganiban.

Aabot sa 1.3 milyong government employees ang posibleng makinabang sa nasabing programa.

“The IRR will include the specific guidelines, which will benefit both the rice producers and rice consumers,” dagdag pa ni Panganiban.

Sinabi ni Federation of Free Farmers Chairman Leonardo Montemayor na masisiguro ng rice allowance program ang isang pamilihan para sa mga lokal na magsasaka.

“Since the farmers can directly sell their rice harvest, they can offer lower price,” sabi naman ni Montemayor.

(ai/mtvn)

Leave a Reply