Pamimigay ng hygiene kits, school supplies ng ACD sa Caloocan dinagsa

Pamimigay ng hygiene kits, school supplies ng ACD sa Caloocan dinagsa

Dinagsa ng mga magulang kasama ang kani-kanilang mga anak ang
pamimigay ng hygiene kits at school supplies para sa mga estudyante sa dalawang Day Care center sa Barangay 73 Caloocan City partikular na ang Morning Star Child Development Center, at DM Child Development Center na handog ng Anti-Crime Devotees (ACD) na pinamumunuan ni Founding/President PCol. Alex C. Daniel at Caloocan Chapter leader Marvin Pacia.

Nagpasalamat naman ang samahan sa mga nagbigay ng tulong upang maging matagumpay ang kanilang isinagawang proyekto na malaking tulong sa mga magulang para sa kanilang mga anak.

(AJ Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply