781 estudyanteng Navoteño tumanggap ng educational assistance mula sa DSWD

781 estudyanteng Navoteño tumanggap ng educational assistance mula sa DSWD

Nasa 781 estudyanteng Navoteño ang naging benepisyaryo ng Educational Assistance Program ng Department of Social Welfare and Development na ipinamahagi sa North Bay Boulevard North Elementary School ngayong Lunes (19 Sept. 2022).

Ayon sa lokal na pamahalaan, P1,000 ang natanggap ng elementary school students, P2,000 naman sa mga junior high school students, P3,000 ang senior high school students, at P4,000 ang college o vocational course students.

Hanggang tatlong (3) estudyante sa bawat pamilya ang maaaring makatanggap ng benepisyo at ito ay ang mga napili ayon sa assessment ng DSWD.

(Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply