Padilla, pinuna ni Pimentel sa tamang PDP-Laban chairmanship

Padilla, pinuna ni Pimentel sa tamang PDP-Laban chairmanship

By Liza Soriano

Sen. Robin Padilla (The Manila Times photo courtesy)

MANILA — Hindi pinalagpas ni Sen. Koko Pimentel ang pagkakataon para punahin si Sen. Robin Padilla sa sinabi ng huli tungkol sa political party nitong Partido Demokratiko Pilipino-Laban ng Bayan.

Hindi nagustuhan ni Pimentel ang sinabi ni Padilla na si dating pangulong Rodrigo Duterte ang chairman ng PDP-Laban.

Sa pagdinig ng Senate committee on finance, sinabi ni Padilla na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang chairperson ng PDP-Laban.

“Sorry to be raising this, pero baka ma-rules of court kami sa future. Senator Padilla mentioned a name as chairman of the PDP-Laban. That is not correct as far as this representation is concerned because I am the chairman of the PDP-Laban, the original PDP-Laban party,” ayon kay Pimentel.

“Just for the information, kasi meron yatang — ‘di ba merong provision sa rules of court that if something is stated in your presence and you do not react to it, might be, it can be, or might be taken against you,” dagdag pa ng mambabatas.

Agad namang humingi ng paumanhin si Padilla kay Pimentel.

“Ako po ay humihingi ng paumanhin sa atin pong minority leader… Gusto ko lang ipaalam din po sa ating minority, pasensya na po kasi alam ko po nadesisyunan na ng Supreme Court na ang PDP-Laban ay ano, pasensya na po kayo,” sinabi ni Padilla kay Pimentel.

“Wala po akong intensyon na makasagasa. Ako po ay sumusunod lamang. Pasensya na po minority leader, pasensya na po,” dagdag pa niya.

Ang PDP-Laban ay nahahati sa dalawang paksyon: ang isa ay pinamumunuan ni Pimentel at ang isa ay pinamumunuan ni dating Energy Secretary Alfonso Cusi, ang kaalyado ni Duterte. (ai/mtvn)

Leave a Reply