Mga paninda ng sidewalk vendors nagkalat sa daan matapos mag-panic sa clearing ops ng mga otoridad

Mga paninda ng sidewalk vendors nagkalat sa daan matapos mag-panic sa clearing ops ng mga otoridad

Isa-isang pinulot ng isang tauhan ng Task Force Discipline Muntinlupa ang mga nagkalat na mga paninda ng isang sidewalk vendor na nag-panic at kumaripas sa gitna ng clearing operation na isinagawa kaninang umaga ng Martes (September 20, 2022) ng mga otoridad sa West Service Road Sucat, Muntinlupa City.

Ayon sa team leader ng operation, hindi naman sila nagkulang sa pasabi at taon-taon na lamang ang operation at pabalik-balik lamang daw ang mga ito kaya masakit man aniya sa kanilang kalooban dahil naghahanapbuhay lang sila ng patas, ay kinukumpiska pa rin nila ang mga paninda ng sidewalk vendors para lumuwag ang daraanan para naman sa karapatan ng pedestrians.

Bilang humanitarian reason, ang iba naman, ay hinahayaan na lamang na sila ang magligpit ng kanilang paninda sa sidewalk at pinagsasabihan na lamang na huwag nilang harangan ang daan dagdag pa ng team leader.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply