PBBM nangakong palalakasin ang education system ng ‘Pinas

PBBM nangakong palalakasin ang education system ng ‘Pinas

By Liezelle Soriano

MANILA — Nangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pagbubutihin niya ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas sa mga tuntunin ng “technical side” ng pagsasanay ng mga manggagawa.

Ayon kay Marcos, ang pag-aatas ng technical competence at quality instruction sa mga paaralan ay makaka-engganyo ng “more sophisticated ” na international investors na magtatag ng mga negosyo sa Pilipinas.

Dagdag niya, ang kanyang administrasyon ay nakatuon sa patuloy na pamumuhunan sa mga kabataan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kinakailangang pagtuturo.

“We must continue to make them competitive anywhere in the world but most hopefully in the Philippines with our partners and with our allies,” ani Marcos.

“And that will galvanize our young people to continue to work in that direction. That I think is something that will come naturally if we are able to do all of the things that we are hoping to do to transform the economy, to adjust now,” dagdag pa niya.

Ayon sa isang video na nai-post ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa kanyang Facebook page, iniutos ni Marcos sa Kagawaran ng Edukasyon na bigyan ang mga mag-aaral ng kinakailangang pagsasanay upang sila ay maging “produktibong miyembro ng lipunan.”

“Hindi tayo makakaunlad kung hindi skilled ang ating workers, kung walang talino or walang kakayahan. So, sa basic education pa lang, pinangako ng Presidente na hindi niya titipirin ang ating learners,” ani Cruz-Angeles.

(ai/mtvn)

Leave a Reply