PBBM umaasang magkakaroon ng bilateral talks kay Biden

PBBM umaasang magkakaroon ng bilateral talks kay Biden

By Liezelle Soriano

MANILA — Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na umaasa siyang magdaos o magkaroon ng bilateral talks kay US President Joe Biden sa sideline ng 77th United Nations General Assembly (UNGA), kung saan nakatakda siyang maghatid ng talumpati Martes ng hapon.

lpinahayag ni Marcos ang kanyang hangarin na palakasin pa ang bilateral na ugnayan ng Pilipinas sa tradisyunal na kaalyado nitong Estados Unidos sa panahon ng kanyang termino bilang Pangulo.

“After all, our bilateral alliance with the United States is possibly as important policy as there is in the Philippines. Our relations with the United States remain strong and I believe we will make them stronger in the coming years,” ani Marcos.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang gobyerno ng Pilipinas ay nasa konsultasyon pa rin sa White House at National Security Council sa Washington, DC para sa posibleng pagpupulong ng dalawang lider.

Sinabi ni Marcos na umaasa rin siyang magdaos ng mga pagpupulong sa iba pang mga pinuno ng estado na dadalo rin sa UNGA.

“Alam niyo po, ‘yung nakikita natin kung minsan sa television doon sa malaking hall nila nagi-speech, ‘pagkatapos po ng mga malalaking speech ay nagkikita-kita, mag-uusap-usap kami na bilateral, multilateral, kung ano pa mga iba’t ibang meeting,” ani Marcos.

“Kaya’t ‘yun ay napaka-importante rin. Kaya’t ginawa namin na nakapagplano kami at humingi kami ng panahon dito sa mga napunta rito para sa General Assembly. Napunta sila rito ay sabi ko, pagkakataon na natin. At hindi natin sila mapupuntahan sa kanilang bansa, dito na natin silang kakausapin,” dagdag pa niya.

Bukod sa bilateral talks sa kanyang mga international caunterparts, nakatakda ring makipagpulong ang Pangulo sa mga business leaders, kabilang ang Philippine Economic Briefing (PEB) kung saan nakatakda rin siyang magbigay ng talumpati. (ai/mtvn)

President Bongbong Marcos

Leave a Reply