Digital transformation tinutulungan ang bansa na makasabay — Marcos

Digital transformation tinutulungan ang bansa na makasabay — Marcos

By Liezelle Soriano

MANILA — Magbibigay-daan sa lahat ng bansa ang digital transformation na makasabay sa nagbabagong mundo.

Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Miyerkules (Manila time) sa isang pahayag sa kanyang state visit sa Amerika.

Inilabas ni Marcos ang pahayag sa ika-77 na sesyon ng United Nations General Assembly (UNGA) sa New York City, habang ikinalungkot niya na maraming mga bansa ang hindi pa rin malinaw ang gamit at advantage ng mga digital technology.

Nagrekomenda si Marcos para sa mabilis na paggamit ng mga digital na inobasyon upang bigyang-daan ang lahat ng mga bansa na makasabay.

“The development of advanced technologies is rapidly transforming human life and experience. We still barely understand how these transformations are unfolding and where they are leading. The imminent diffusion of these emerging technologies could solve many of our old problems, but they could also disrupt our political and social orders. Our governance structures must keep up,” sabi ng Pangulo.

“The world is ready for transformation. It is up to us as leaders of our nations, to move and shape that transformation,” dagdag pa niya.

Sinabi niya na ang paglipat sa isang digital world ay dapat na makinabang hindi lamang sa mga mayayamang bansa kundi pati na rin ang mga umuunlad na bansa na umaasa sa kanilang mabilis na pagrekober mula sa pandemya ng COVID-19.

“We remain beset by an unresolved problem: Inequalities and inequities within and among countries continue to persist, and they continue to demand urgent action,” ayon sa Chief Executive.

“We must use public and private resources to encourage the expansion of trade, investment, and technology transfers to accelerate development. Knowledge and intellectual gains must flow freely to allow those lagging behind to catch up,” wika pa ni Marcos.

(ai/mtvn)

Leave a Reply