Poste ng Meralco sapul sa cement mixer truck

Poste ng Meralco sapul sa cement mixer truck

Gabi na ay abala pa rin ang mga lineman na ito ng Meralco sa pagtatanggal ng kableng nakakabit sa posteng kalahating nakalambitin na lamang dakong alas-9 kagabi sa Que Grande Street Barangay Ugong, Valenzuela City matapos na masagi ito ng Mixer Truck.

Mabuti na lamang at mabilis ang pagresponde ng mga tanod na umaantabay sa daan at ng mga tauhan ng Meralco para ilipat ang mga kableng nakakabit rito sa katabing poste na mas mataas pa sa dati.

Hindi naman daw delikado ang kable kahit may kuryente ito pero kailangang alisin dahil nakalambitin na ang kalahating poste ayon sa isang tauhan nila.

Agad namang naialis ang mga kable at nailipat sa katabing konkretong poste na ikinatuwa ng mga residente at mga motoristang napapadaan rito.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply