Bangkay ng babae na nakasilid sa sako natagpuang palutang-lutang sa Tullahan river sa Malabon

Bangkay ng babae na nakasilid sa sako natagpuang palutang-lutang sa Tullahan river sa Malabon

MANILA — Natagpuan ang bangkay ng isang hindi pa nakilalang babae na nakasilid sa isang sako at hinihinalang biktima ng summary execution.

Palutang-lutang ang bangkay ng biktima nang matagpuan kahapon ng umaga sa Tullahan river na sakop pa ng Malabon City.

Sa police report nina PSSgt. Michael Oben at PCpl Renz Marlon Baniqued kay Malabon police Chief Col. Albert Barot, dakong alas-8 ng umaga, nang makita ang bangkay ng isang nangunguha ng basura ang saksing si Alfredo Broa (73) sa Northern Hills Property Compound, na matatagpuan sa kahabaan ng Industrial Road, Tullahan River, Brgy. Potrero.

Nakasilid umano ang bangkay sa isang sako nang madiskubre niya ito at palutang-lutang sa ilog.

Kaagad namang ipinaalam ng saksi sa duty-guard ang kanyang nadiskubre saka i-nireport naman ng guard ang insidente sa mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 1 na mabilis namang rumesponde sa lugar.

Sa isinagawang ocular investigation ng pulisya, ang biktima ay may tattoo sa kanang binti at kaliwang bisig na nakasuot ng itim na sando at brown checkered short pants.

Naka-posas din ang mga kamay ng biktima habang ang kanyang mga paa ay nakatali ng steel wire na nakakabit sa posas at naka-balot naman ng masking tape ang kanyang mukha.

Leave a Reply