‘Basura kapalit ay bigas’

‘Basura kapalit ay bigas’

Sa ibang local government units “may pera sa basura” na maituturing ngunit ibang diskarte naman kontra basura ang Muntinlupa City dahil bigas naman ang pamalit ng LGU sa kung gaano kabigat ang timbang na dala nilang basura.

Makikita sa larawan na aktong kinikilo ang mga basurang plastic na ito ng mga tauhan ng Environmental Sanitation Center (ESC) at ng Gender and Development Office (GAD) ng Muntinlupa ngayong araw (September 22, 2022) na di kalaunan ay papalitan ng bigas.

Ayon kay Acting Department Head Reggie Salonga ng GAD, ang programa ay tulong sa mga Muntinlupeño at hinihikayat ang mga ito na maging bahagi sa paglilinis ng kapaligiran sa pamamagitan ng pagtatabi ng mga plastic na basura imbes na itapon kung saan-saan.

Ito ang unang araw sa pag-arangakada ng programang “Basura Palit Bigas” na ginanap sa Barangay Sucat at Bayanan, Muntinlupa City na magtutuloy-tuloy ayon kay Mr. Reggie Salonga dahil ito, aniya, ay isa sa 7K agenda ni Mayor Ruffy Biazon na Kalikasan.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply