Manila’s Finest naglunsad ng ‘Oplan Sita’

Manila’s Finest naglunsad ng ‘Oplan Sita’

Maigting ang ginagawang paninita ng kapulisan na mula sa Manila Police District Station 2 Dagupan Outpost sa pangunguna ni MPD PCP Dagupan Chief P/SMSgt. Gerardo B. Tubera, sa mga checkpoint sa Juan Luna Chacon Tondo, Manila.

Ayon kay Tubera ito’y inilunsad upang mapanatili ang seguridad ng mga residente ng kanyang nasasakupan at mapanatili ang Peace and Order na alinsunod sa mahigpit na kautusan ni MPD Director PBGen. Andre Dizon at MPD Station 2 Commander PLTCol Harry Lorenzo III.

(Kiara Lauren Ibanez/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply