Marcos iginiit na kailangang mamuhunan sa seguridad ng pagkain

Marcos iginiit na kailangang mamuhunan sa seguridad ng pagkain

By Liezelle Soriano

President Marcos (Manila Bulletin photo courtesy)

MANILA — Iginiit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pangangailangan ng mga bansa na mamuhunan sa seguridad ng pagkain at binigyan diin niya na ang COVID-19 pandemic at labanan sa pagitan ng Russia at Ukraine ay lubhang nagdulot ng kahirapan sa pag-access ng pagkain sa buong mundo.

Ayon pa sa Pangulo, na kasalukuyang nasa Amerika dahil sa una niyang state visit, ang kahalagahan ng pagkain ay siyang pinaka-batayan ng seguridad ng tao.

“We need to take concrete steps towards modern and resilient agriculture. Food is not just a trade commodity nor is it just a livelihood. It is an existential imperative, and a moral one. It is the very basis of human security,” wika ni Pangulong Marcos.

Tinalakay ni Marcos, na siya ring namumuno ngayon sa Department of Agriculture (DA), ang pagsisikap ng Pilipinas na tugunan ang mga problema sa sektor ng agrikultura tulad ng pagbibigay ng mga makabagong solusyon at suportang pinansyal sa mga magsasaka at mangingisda upang magpatibay ng mga bagong teknolohiya at kumonekta sa pambansa at pandaigdigang value supply chain.

Nagpahayag din siya ng pagnanais na bumuo ng pakikipagtulungan sa UN at iba pang mga kasosyo upang mapalakas ang produktibidad ng agrikultura at seguridad sa pagkain.

“As host to 17 UN agencies, programs, and funds, the Philippines strongly supports reforms to ensure that the UN Development System delivers as one through its UN Country Team,” ayon kay Marcos. (ai/mtnv)

Leave a Reply