Nagpanggap na empleyado ng DSWD arestado

Nagpanggap na empleyado ng DSWD arestado

Iprinisinta nina Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr. at Caloocan police Chief Col. Ferdinand Del Rosario sa mga mamamahayag nitong Miyerkules ang naarestong suspek sa panggagantso na kinilala bilang si Myra Mangitngit, 43, residente ng Block 16-B, Lot 106, Padas Alley, Brgy. 12 Caloocan City.

Ang suspek ay naaresto sa entrapment operation sa labas ng kanyang bahay matapos magpanggap na taga-DSWD at manloko ng mga tao na ipapasok umano ng trabaho sa ahensya at maging miyembro ng 4Ps kapalit ng P3,050.00 halaga.

(Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply