Zubiri isiniwalat na nakipagpulong ang SRA sa mga traders

Zubiri isiniwalat na nakipagpulong ang SRA sa mga traders

By Liza Soriano

MANILA — Ibinunyag ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pakikipagpulong ng Sugar Regulatory Administration (SRA) sa mga traders matapos imbestigahan ang umano’y kabiguan sa pag-import ng asukal.

Ang SO4, na may petsang Agosto 09, 2022, ay nagpapahintulot sanang mag-import ng 300,000 metriko tonelada ng asukal sa bansa. Ngunit sinabi ng Malacanang na ang utos ay hindi awtorisado at ilegal.

“I didn’t want to bring this up but I have pictures with members of the SRA meeting with traders right after the signing of SO4,” ani Zubiri.

“I have it in my phone. What is that? Why would they meet with them? Is that proper that they’ll meet with importers?” dagdag pa niya.

Naintriga sa isiniwalat ni Zubiri, tinanong ni Senador Ronald Dela Rosa kung maihaharap ng pinuno ng Senado sa plenaryo ang nasabing mga larawan.

“Because you know a picture paints a thousand words so being a former police investigator, I think it’s very material and relevant to the issue at hand if that picture can be presented to the body,” ayon kay Dela Rosa.

Bagama’t maaari niyang ipakita ito kay Dela Rosa nang pribado o kahit sa isang executive session, sinabi ni Zubiri na hindi niya mailalabas ang mga larawan sa publiko dahil natapos na ng Senate blue ribbon committee ang pagsisiyasat sa isyu.

“These pictures were taken during that time… Baka parang hindi proper,” ayon kay Zubiri. (ai/mtvn)

Leave a Reply