‘Bawal sabit na batas bale wala sa mga pasaway sa daan’

‘Bawal sabit na batas bale wala sa mga pasaway sa daan’

Sa magkahiwalay na lugar ng East Service Road sa Taguig City at sa Agham Road sa Quezon City ay tila binabalewala ng mga sumasabit sa mga sasakyan ang batas na nagbabawal sa pagsabit sa tumatakbong sasakyan.

Mahigpit ang batas na ito pero may mga matitigas ang ulo na mga pasaway tulad ng mga Badjao sa Taguig at mga tauhan ng delivery close van na ito sa Quezon City na kapit tuko sa pagkakasabit sa mga istribo ng jeep at likuran ng van.

Kaya isang motorcycle rider na kasabayan nila sa daan ay napailing na lamang ng makita ang mga nakasabit na ito na pwedeng malagay sa alanganin o dili kaya pagmultahin ang driver ng malaki kapag natyempuhan ng mga traffic enforcers.
Peter Lacang/BC

Leave a Reply