CalNatSci nagsasanay ng mga batang emergency responders

CalNatSci nagsasanay ng mga batang emergency responders

Sinasanay ang mga estudyanteng ito ng Caloocan National Science and Technology High School (CalNatSci) kahapon ng first aid sakaling may mga trahedya o emergency na nangyari.

Sila ang binuo ng paaralan na mga Batang Emergency Response Team (BERT) na mangunguna, tutugon at tutulong sa kaligtasan ng bawat CalNatScian, katuwang ang mga guro at staff ng paaralan.

Noong 2017 at 2018 ay nagwagi bilang Best Performing School Finalist ang CalNatSci na iginawad sa kanila ng School Disaster Risk Reduction (SDRRM) Gawad Kalasag Regional Level.

Ang BERT ay isang non-academic club na ang adviser ay si Teacher Raj Nulada na dating member ng Mountain Tigers Rescue Inc. Miagao Emergency Response Group.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply