Economic agenda ni Marcos: Wala nang magugutom na Pinoy!

Economic agenda ni Marcos: Wala nang magugutom na Pinoy!

By Liezelle Soriano

Maharlika TV News Photo

MANILA — Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang pinakalayunin ng kanyang economic agenda ay matiyak na wala nang Pilipino na makakaranas ng kagutoman.

Sinabi ito ni Marcos nang makipagpulong siya sa mga miyembro ng Asia Society sa New York City noong Setyembre 23 (oras ng New York).

Sa isang maikling panayam kay dating Australian Prime Minister Kevin Rudd, inamin ng Pangulo na bagama’t ito ay isang simpleng layunin, malaki ang maitutulong kung makakamit ito.

“It’s a very simple aim. It’s a very simple goal. But I dare say, it is not necessarily a simple problem to solve, and it requires a great deal of effort and thinking on the part of the public sector,” ayon kay Marcos.

Sinabi ni Marcos na magiging posible ito kung magtutulungan ang publiko at pribadong sektor.

“We hope to leverage whatever it is that the government can do to maximize the effects of what development we are able to encourage and to the benefit of those who have come to help us, our partners, our investors, and of course to the benefit of the ordinary Filipino,” dagdag pa ng Pangulo.

“We have managed to engage our private sector partners to be part of this effort. I do not think that we could manage to do this by ourselves in the public sector,” aniya pa. (ai/mtvn)

Leave a Reply