Sariling-gawang panglambat ng mga basurang plastic inilatag ng Muntinlupa sa Sucat River

Sariling-gawang panglambat ng mga basurang plastic inilatag ng Muntinlupa sa Sucat River

Inilatag ng mga kawani ng Barangay Sucat Environmental Management (BSEM) ang trash boom na ito sa Bagumbayan Sucat River kamakailan bilang proteksyon o sanggalang sa mga basura sa kanilang ilog.

Ang trash boom ay gawa sa pet bottle recycled materials ng barangay na kumokontrol sa basura sa ilog lalo kung umuulan na ang layunin ay pangalagaan ang kalikasan lalo na ang ilog.

Hinihikayat din ng BSEM at ng Environmental Sanitation Center (ESC) ang mga Muntinlupeño na pangalagaan ang ilog sa pamamagitan ng proyektong ito at nanawagan na ang basura ay huwag itapon na lamang dahil may pakinabang ito tulad ng trash boom na ang materyales ay gawa sa patapon nang plastic.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply