‘Karding’ tinututukan ng weather monitoring team ng Maynila

‘Karding’ tinututukan ng weather monitoring team ng Maynila

Itinaas na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Tropical Cyclone Wind Signal No.3 sa buong Metro Manila dahil sa bagyong Karding kung kaya maigting na ngayon ang pagmomonitor ng Manila Emergency Operations Center (MEOC) sa sitwasyon sa lungsod.

Ang MEOC ang siyang nakatalagang magbigay ng mga pangunahing impormasyon sa publiko patungkol sa mga kaganapan sa lungsod na may kinalaman sa bagyo o ulat-panahon.

Ang nasabing tanggapan ay laging bukas upang maibigay sa publiko ang impormasyon patungkol sa lahat ng mga sakuna o kalamidad gaya ng bagyo.

Patuloy rin ang pagbibigay nito ng mga abiso tungkol sa lagay ng panahon na siya namang inaanalisa ng Research and Planning Division ng lungsod.

(Kiara Lauren Ibanez/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply