Marcos: Bigyang tuon ang drug lords, hindi small-time pushers

Marcos: Bigyang tuon ang drug lords, hindi small-time pushers

By Liezelle Soriano

East Asia Forum photo courtesy

MANILA — Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na binago niya ang pokus sa paglaban sa iligal na droga kung saan sinabi niya sa Philippine National Police (PNP) na hindi siya interesado sa small-time drug pushers.

Ipinag-utos niya sa mga opisyal na magsikap na hulihin ang big-time na mga supplier at distributor ng narcotics.

Sinabi ni Marcos na ibinigay niya ang utos sa pakikipagpulong sa mga matataas na opisyal ng PNP matapos siyang maupo noong Hunyo 30.

“It is certainly my view that enforcement, which has been the part of the drug war that has been most vigorously pursued by President [Rodrigo] Duterte, only gets you so far. And my approach is slightly different,” sabi ni Marcos sa Asia Society.

“[During] my first command conference with our policemen, I said we will adjust. Let us adjust our focus … As to the enforcement, to put it very bluntly, I simply told them, ‘Look I’m not interested in the kid who makes P100 a week selling weed.’ That’s not the person that I want you to go after,” aniya pa.

“I want you to go after people who, if we get them, if we neutralize them, or put them in jail, we put them away, whatever it is, we will make an actual difference so that the supply of drugs, the system of distribution, the system of importation of drugs because much of it really does come from abroad. That will actually make a difference, it will put a stop to it,” pagpapatuloy niya.

Ang kampanya laban sa droga ni Duterte ay humantong sa libu-libong di-umano’y extrajudicial killings na mga biktima.

Karamihan sa mga mahihirap na pinaghihinalaang mga tulak ng droga at mga gumagamit na pinatay sa mga operasyon kontra droga ng pulisya.

Iniulat ng Philippine Drug Enforcement Agency na mahigit 6,000 katao ang napatay sa war on drugs mula noong 2016.

Samantala, sinasabi ng mga human rights group na ang bilang ay mas malapit sa 30,000. (ai/mtvn)

Leave a Reply