5 patay sa San Miguel dahil kay ‘Karding’, mamamayan ng Bustos inilikas dahil sa baha

5 patay sa San Miguel dahil kay ‘Karding’, mamamayan ng Bustos inilikas dahil sa baha

Inabot ng tubig-baha ang mga kabahayang ito sa gilid ng ilog malapit sa tulay ng Bustos, Bulacan ngayong umaga Lunes, 26 September 2011, matapos magpakawala dakong alas-11 kagabi ang Angat dam ng tubig.

Wala namang napahamak sa pagtaas ng tubig dahil nakalikas kaagad ang mga nakatira sa gilid ng ilog. Sa pagpasok ng bagyo kahapon, ang Bulacan ay itinaas sa signal No. 4 at ang ilang bahagi naman ng lugar ay umabot sa signal No. 3.
Sa sama ng pahanon may napaulat na lima katao ang nasawi sa San Miguel, Bulacan.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply