MAHARLIKA HIGHWAY SA SAN ILDEFONSO, BULACAN NAGMISTULANG ILOG

MAHARLIKA HIGHWAY SA SAN ILDEFONSO, BULACAN NAGMISTULANG ILOG

Ni Benjamin Cuaresma

MANILA — Animo’y ilog ang kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Anyatam, San Ildefonso, Bulacan dahil sa lagpas-tuhod na bahang dulot ni super typhoon Karding na nag-landfall nitong Linggo (25 September 2022).

Mahigit 50 pamilya ang inilikas ng lokal na pamahalaan dahil sa baha at pansamantala silang nanunuluyan ngayon sa Anyatam Elementary School habang hindi pa humuhupa ang baha.

Unang nag-landfall kahapon ang super typhoon na may international name na “Noru” sa bahagi ng Quezon Province partikular na sa munisipalidad ng Polillo Island.

Sa patuloy na pananalasa ng bagyo sa Luzon, si ‘Karding’ ay nagdulot ng mga pagbaha sa iba’t ibang parte ng Bulacan gaya ng San Miguel kung saan mayroong napaulat na limang (5) nasawi na rescuers, ayon kay Mayor Roderick Tiongson ng San Miguel, Bulacan.

Makikita sa larawan ang mga taong lubhang naapektuhan ng matinding baha na nakasakay sa rescue truck. Isang aso rin ang makikitang basta na lang iniwan at ‘di na nakaya pang maisama. (ai/mtvn)

Leave a Reply