Malabon Mayor Jeannie Sandoval namigay ng ayuda sa mga bakwit ng lungsod

Malabon Mayor Jeannie Sandoval namigay ng ayuda sa mga bakwit ng lungsod

Agad na binisita ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval ang mga evacuation
center sa Barangay Tañong at Dampalit upang mamahagi ng pagkain at
relief goods sa mga residenteng naapektuhan ng bagyong “Karding”
na nanalasa sa Kalakhang Maynila nitong Linggo (25 Sept. 2022).

Naging katuwang ni Saldoval ang City Social Welfare and Development Department (CSWDD) at Malabon Disaster and Risk Reduction
Management Office (MDRRMO) sa kanyang mga pagbisita sa evacuation centers.

Bukod sa dalawang nabanggit na barangay, nag-ikot din sa iba pang villages sa lungsod ng Malabon ang alkalde upang damayan sa kanilang mga kailangan ang bawat residenteng bakwit at upang tiyakin na ligtas ang mga ito.

(Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply