Mga inilikas sa Isla Puting Bato dahil kay ‘Karding’ balik-tahanan na

Mga inilikas sa Isla Puting Bato dahil kay ‘Karding’ balik-tahanan na

Matapos manalasa ng bagyong Karding at humupa na ang pag-ulan at malakas na hangin, isa-isa nang inihatid pabalik sa kani-kanilang tahanan ng mga tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction Manament Office (MDRRMO) ang mga pamilyang inilikas mula sa Isla Puting Bato.

Sinaksihan ito ng punong lungsod na si Mayor Honey Lacuna na namahagi rin ng relief goods sa mga residente na pansamantalang nanirahan sa mga evacuation center.

(Kiara Lauren Ibanez/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply