Pinsala ni ‘Karding’ sa agrikultura umabot sa P140-M

Pinsala ni ‘Karding’ sa agrikultura umabot sa P140-M

By Liezelle Soriano

MANILA — Palabas na ng bansa ang super typhoon “Karding” sa Luzon ngunit nag-iwan naman ito ng pinsala at pagkalugi sa agrikultura na tinatayang aabot sa P141.38 milyon.

Ayon sa mga otoridad, ang mga lugar na nakaranas ng matinding pinsala at pagkawala ng agrikultura ay ang Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Central Luzon, at Calabarzon.

โ€œFor agriculture, we received information from the Department of Agriculture (DA), halos umabot na po sa affectedโ€ฆ 740 farmers,โ€ ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council spokesperson Raffy Alejandro.

Sa ngayon, 16,229 ektarya ng lupa ang naiulat na apektado, na katumbas ng volume na 5.8 metriko tonelada.

Kabilang sa mga apektadong produkto ang palay, mais, at mga high-value crops.

Sinabi ng DA na bibigyan nila ang mga apektadong magsasaka ng 133,240 bags ng rice seeds, 5,729 bags ng corn seeds, at 4,911 kilo ng assorted vegetable seeds.

Samantala, ang mga apektadong mangingisda ay makakakuha ng tulong mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Gagamitin ng DA ang Survival and Recovery Program ng Agricultural Credit Policy Council para sa mga apektadong magsasaka at mangingisda. (ai/mtvn)

Leave a Reply