2023 General Appropriations Bill sinertipikahang ‘urgent’ ni PBBM

2023 General Appropriations Bill sinertipikahang ‘urgent’ ni PBBM

By Liezelle Soriano

MANILA — Sinertipikahan ni Pangulomg Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang urgent ang 2023 national budget bill nitong Martes, 27 September 2022.

Ginawa ng Pangulo ang sertipikasyon sa isang liham na ipinadala kay House Speaker Martin Romualdez.

“Pursuant to the provisions of Article VI, Section 26 (2) of the 1987 Constitution, I hereby certify to the necessity of the immediate enactment of House Bill No. 4488…in order to address the need to maintain continuous government operations following the end of current fiscal year, strengthen efforts to respond more effectively to the Covid-19 pandemic, and support initiatives towards national economic recovery,” sinabi ni Marcos sa isang liham.

Ang panukalang P5.268-trillion 2023 national budget ay nakapaloob sa House Bill 4488.

Nagpapatuloy pa ngayon ang mga deliberasyon ng HB 4488 sa Kamara.

Sa sertipikasyon, maaaring aprubahan ng Kamara, na nakatakdang magkaroon ng break mula Oktubre 1, 2022 hanggang Nob. 6, 2022, ang panukalang batas sa badyet sa ikatlo at huling pagbasa sa parehong araw ng pag-apruba sa ikalawang pagbasa. (ai/mtvn)

Leave a Reply