Bagong motorcycle service ng pulis-Muntinlupa may ‘Battenburg markings’ na

Bagong motorcycle service ng pulis-Muntinlupa may ‘Battenburg markings’ na

Kapansin-pansin ang kakaibang marka ng bagong motorcycle service units ng kapulisan ng Muntinlupa City dahil may “Battenburg markings” na ang mga ito kagaya ng mga nakikita sa United Kingdom at buong Europa at ngayo’y naririto na.

Ang makulay at diagonal na markings na ito ay inilalagay sa mga behikulo ng mga responder para mabilis na makatawag pansin sa tao at komunidad sa tuwing may mga emergency.

Inilagay ito sa mga ambulansya, police car, fire truck at anumang sasakyan na ginagamit sa mga pagresponde tulad ng police motorcycle ngayon sa lungsod Muntinlupa.

Tinangkilik ito ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon dahil subok at epektibo, aniya, ito sa mga bansang pinanggalingan nito bukod sa napakaganda sa paningin
ng tao. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply