Loyzaga ng DENR, Frasco ng DOT lusot na sa CA

Loyzaga ng DENR, Frasco ng DOT lusot na sa CA

By Liza Soriano

MANILA — Dalawa pang opisyal na appointee ni Pangulong Bongbong Marcos ang inaprubahan ng Commission on Appointments (CA) nitong Martes (27 September 2022).

Aprub sa committee ang appointment ni Ma. Antonia Yulo Loyzaga bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Isinulong ni CA Chairperson at Senate President Juan Miguel Zubiri na aprubahan ng CA Committee on Environment and Natural Resources ang appointment ni Loyzaga na agad na senigundahan nina CA panel chairperson, Senate President Pro Tempore Loren Legarda, at Senator Risa Hontiveros.

Sa committee hearing sa kanyang appointment, tinanong si Loyzaga ukol sa kanyang posisyon sa small-scale mining, open-pit mining, isyu ng Masungi Georeserve, at ang pagmana sa 34 entities.

Samantala, maliban dito, inaprubahan na rin ng CA ang ad interim appointment ni dating Liloan City, Cebu Mayor Christina Frasco bilang ika-21 na Kalihim ng Department of Tourism (DOT).

Ito ang unang pagkakataon ni Frasco na humawak ng national na posisyon matapos siyang italaga sa puwesto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa kanyang pagsalang sa committee level ng CA bagama’t walang oposisyon ay iba’t ibang payo ang kanyang natanggap mula sa mga senador at congressman na miyembro ng komisyon.

(ai/mtvn)

Leave a Reply