Marcos binabantayan ang piso, ekonomiya ng bansa ‘malakas pa rin’ —Press Secretary Trixie Angeles

Marcos binabantayan ang piso, ekonomiya ng bansa ‘malakas pa rin’ —Press Secretary Trixie Angeles

By Liezelle Soriano

MANILA — Mahigpit na binabantayan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paghina ng piso laban sa US dollar, ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles nitong Miyerkules.

Sinabi ni Cruz-Angeles na patuloy na nakikipag-ugnayan si Marcos sa kanyang economic team.

Ginawa ni Cruz-Angeles ang pahayag kahit na sinabi niyang hindi nabanggit ng Pangulo kasama ng mga miyembro ng kanyang Gabinete sa kanilang pulong noong Martes ang bagong record low para sa piso, na nagsara sa P58.50 laban sa dolyar noong Setyembre 23.

Sa nagbabadyang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan sa pamilihan, tinutulan din ng Press Secretary ang pananaw na ang inflation ay dulot ng “any local factors.”

“It’s really about the exchange rate. But it is a matter which the President closely monitors on a regular basis,” ayon kay Cruz-Angeles.

Samantala, naniniwala si Cruz-Angeles na “malakas” pa rin ang economic fundamentals ng bansa.

“The economy is in good resurgence, and we are experiencing a good rate of growth right now. So we will have to see in the end whether that forecast is going to be more accurate than the local forecast,” sinabi niya.

“Our economic managers forecast a higher growth, so they are in a much better position to make that determination and that forecast,” dagdag pa niya.

(ai/mtvn/
Father of All Times
Ismael Amigo
yan ipost mo nak same story
4:58 PM
Father of All Times forwarded a message
Ismael Amigo
Nabuwal na concrete barrier sa EDSA lumikha ng matinding trapiko

Lumikha ng matinding trapiko ang natumbang concrete barrier sa south bound lane sa EDSA umaga ng Miyerkules (Sept. 28, 2022) sa may Mandaluyong City.

Ayon sa nakapanayam ng Maharlika TV News roving photographer
na si Peter Lacang, ito umano ay nasagi ng isang malaking sasakyan
kaya ito bumalandra sa gitna ng kalsada na naging dahilan ng pagkaantala ng mga motoristang dumadaan sa naturang lugar.

Nanawagan naman ang ilang motorista na sana ay mabigyan ito ng kaukulang pansin ng mga otoridad na sumasakop sa mga ganitong klaseng insidente upang maiwasan na ito ay magdulot
pa ng mas malalang aksidente.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply