Nabuwal na concrete barrier sa EDSA lumikha matinding trapiko

Nabuwal na concrete barrier sa EDSA lumikha matinding trapiko

Lumikha ng matinding trapiko ang natumbang concrete barrier sa south bound lane sa EDSA umaga ng Miyerkules (Sept. 28, 2022) sa may Mandaluyong City.Ayon sa nakapanayam ng Maharlika TV News roving photographerna si Peter Lacang, ito umano ay nasagi ng isang malaking sasakyankaya’t ito bumalandra sa gitna ng kalsada na naging dahilan ng pagkaantala ng mga motoristang dumadaan sa naturang lugar.Nanawagan naman ang ilang motorista na sana mabigyan ng kaukulang pansin ng mga otoridad na sumasakop sa mga ganitong klaseng insidente upang maiwasan na ito ay magdudulotpa ng mas malalang aksidente. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply