Local chief executives ng NCR dumalo sa executive briefing ng Mandanas Ruling

Local chief executives ng NCR dumalo sa executive briefing ng Mandanas Ruling

Dumalo si Mayor Ruffy Biazon at iba pang local chief executives ng National Capital Region sa ginanap na executive briefing ng tungkol sa “Full Devolution Process” ng Mandanas Ruling kahapon sa Richmond Hotel Ortigas, Pasig City.

Umatendi rin sina Vice Mayor Dr. Marion Andres ng Marikina City, Mayor Eric L. Olivarez ng Paranaque City, ang kilalang Mayor ng Pasig City na si Vico Sotto, ang Mayor ng Mandaluyong City na si Benjamin Abalos Sr., Mayor Wes Gatchalian ng Valenzuela City, Mayor Francis Zamora ng San Juan City, Vice Mayor Yul Servo ng Manila, Mayor Lani Cayetano Taguig City, Mayor Joy Belmonte ng Quezon City, DILG Secretary Benjur Abalos at Mayor Jeannie Sandoval ng Malabon.

Ilan sa mga naging paksa sa panel discussion ng pagtitipon ay legal questions, concerns sa devolution at ang local administration sa napipintong implementasyon ng Mandanas Ruling kung saan madadagdagan ng hanggang 30 percent share ang mga LGU ng Internal Revenue Allotment. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply