‘Kalinga sa Maynila’ nagpatuloy sa pakikipag-ugnayan sa mga barangay

‘Kalinga sa Maynila’ nagpatuloy sa pakikipag-ugnayan sa mga barangay

Nagpatuloy nitong Biyernes ang direktahang pakikipag-ugnayan sa mga barangay ang mga opisyal ng Maynila sa pangunguna nina Mayor Honey Lacuna Pangan, Vice Mayor Yul Servo Nieto, District 5 Congressman Irwin Tieng, MPD Director PBGeneral Andre Dizon, mga director at department heads ng Manila City Hall.

Bumababa sa mga barangay ang mga opisyales ng lungsod para sa programang kalingang “Kalinga sa Maynila” kung saan sila ang mismong pumupunta sa bawat barangay ng mga distrito upang magkaroon ng harapang komunikasyon.

Inilunsad ito sadya ng lungsod upang direktang mapakinggan ng mga kinauukulang departamento ng City Hall at masagot ang mga tanong at hinaing o dili kaya’y suhestiyon ng mamamayan para sa kanilang mga barangay.

Ang tagpong narito ay naganap sa Barangay 790 Sta. Ana Manila nitong Biyernes, 30 Sept. 2022. (Kiara Lauren Ibanez/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply