Marcos nangako ng mas mahusay at produktibong SSS

Marcos nangako ng mas mahusay at produktibong SSS

By Liezelle Soriano

Ang SSS main building sa East Avenue, Quezon City (PNA)

MANILA — Nangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na susuportahan ang lahat ng pagsisikap na tulungan ang state insurer na Social Security System (SSS) na maging mas mahusay at produktibo sa pagbibigay ng mga serbisyo sa lahat ng Pilipino.

Sinabi ito ni Marcos habang binibigyang-diin niya ang mga nagawa ng SSS, tulad ng pagpapalawak ng saklaw ng membership, pagbibigay ng mga pinahusay na benepisyo, at pagpapabuti ng mga kakayahan sa serbisyo sa mga stakeholder, sa pagdiriwang ng ika-65 anibersaryo nito.

“As your president, I assure you that I commit myself to every initiative that will improve the efficiency and productivity of the SSS and thereby improve the lot and welfare of our people,” ayon kay Marcos.

Iginiit ni Marcos ang kahalagahan ng SSS sa gitna ng pagsiklab ng COVID-19.

“The job that you are doing is exactly the job that we had asked you to do – to provide the safety nets, to provide the guarantees for our people, when tragedy strikes, when crisis strikes, and when people are just going about their daily business,” ani Marcos.

Ang SSS ay itinatag noong Setyembre 1, 1957 sa bisa ng Social Security Act of 1954 upang magsilbing institusyong pinansyal ng gobyerno na nagbibigay ng proteksyon sa social security sa lahat ng manggagawang Pilipino. (ai/mtvn)

Leave a Reply