Lacuna dumalo sa 100th year anniversary ng pagkakatatag ng MPL

Lacuna dumalo sa 100th year anniversary ng pagkakatatag ng MPL

Pinaunlakan ni Manila Mayora Dra. Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang imbitasyon sa selebrasyon ng ika-100 taon ng pagkakatatag ng Mababang Paaralan ng Legarda (MPL) bilang pakikiisa ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa mga bumubuo ng eskuwelahan

Ang MPL ay may 32 na silid aralan na nagsisilbing ikalawang tahanan ng bagong henerasyon ng mga Batang Maynila.

Bilang paggunita sa nagdaang isandaang taon at pagsalubong sa panibagong isandaang taon ay nagsagawa sila ng isang eksibit kung saan tampok rito ang pinintang larawan na pinamagatang “Noel” alinsunod sa isa sa mga pangalan ni Kristo noong Kanyang kapanganakan.

Ayon sa pintor nito, ang Noel ay naglalaman ng mga elementong sumisimbolo ng mga naisagawa at patuloy na isinasagawa ng paaralan tulad ng pangangalaga sa kalikasan, gender equality, at pakikipag-ugnayan para sa kapakanan ng mga stakeholder ng paaralan.

(Kiara Lauren Ibanez/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply