PBBM pinangunahan ang panunumpa ng LMP officers

PBBM pinangunahan ang panunumpa ng LMP officers

By Liezelle Soriano

MANILA — Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panunumpa sa tungkulin ng National Executive Committee at National Directorate Members ng 2022-2025 League of Municipalities of the Philippines (LMP).

Ito ay ginanap nitong Setyembre 30 sa Ceremonial Hall ng Palasyo.

Binati ng Chief Executive ang mga bagong halal na opisyal at board of directors ng LMP sa kanyang mensahe, at muling binanggit ang kanilang tungkulin sa pagtataguyod ng burukrasya na nakasentro sa mga tao sa loob ng mga komunidad na kanilang sinumpaang paglilingkuran sa panahon ng kanilang termino bilang mga lokal na punong ehekutibo.

“We thank the outgoing officers of the League of Municipalities of the Philippines and congratulate the newly-elected officials and members who took their oath of service today,” ayon sa Facebook post ni Marcos.

“Together, may we take good care of the trust placed in us by adhering to our pledge to be just and morally upright leaders as we strive to realize our goals for our beloved nation,” dagdag pa niya.

Pinayuhan niya ang mga lokal na pinuno na tanggapin ang mga inobasyon at ang pinakabagong mga paraan ng paggawa ng mga bagay lalo na sa pagpapabuti ng imprastraktura at digital na pagbabago.

Kasabay nito, tiniyak niya sa kanila ang suporta mula sa pambansang pamahalaan sa pagsasagawa ng mga paghahanda para sa pagpapatupad ng buong debolusyon ng mga tungkulin, kabilang ang pagsasakatuparan ng Devolution Transition Plans para sa kani-kanilang lokalidad.

Si Mayor Joseph Bernos ng La Paz, Abra ang namumuno bilang Pambansang Pangulo kasunod ni LMP President Emeritus Luis Singson ng Narvacan, Ilocos Sur na nagsilbi mula 2019-2022. (ai/mtvn)

Leave a Reply