Matapos ang bagyong Karding: ‘Tuloy lang ang buhay…’

Matapos ang bagyong Karding: ‘Tuloy lang ang buhay…’

Tuloy lang ang buhay at balik sigla na din ang negosyo sa mga resort at kasiyahan ng mga mamamayan lalo na sa mga bakasyonistang narito na nagsamantala sa maganda-gandang panahon nitong Linggo (02 Oct. 2022) sa isang dalampasigan sa Mabini, Batangas nitong nagdaang araw na para bagang hindi naapektuhan ng bagyong Karding.

Ang Mabini at iba pang karatig-bayan sa Batangas ay maraming naggagandahang beach resorts at tourist attractions. Bukod dito ay may mga magagandang kasaysayan na maipagmamalaki ang lalawigan ng Batangas na sadyang dinarayo ng mga lokal at dayuhang mga turista.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply