BROADCASTER, PATAY SA AMBUSH

BROADCASTER, PATAY SA AMBUSH

MANILA — Patay sa pananambang ang broadcaster na si Percy Lapid nitong Martes, 04 October 2022.

Ayon sa PNP, lulan ng kaniyang sasakyan na kulay itim na Innova na papasok sa gate ng Sta Cecilia, BF Resort Village, Barangay Talon 2 Las Piñas City nang biglang sumulpot ang dalawang suspek na lulan ng motorsiklo.

Itinakbo pa ito sa pagamutan subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Ayon sa kaanak nito magsasagawa na sana ito ng kaniyang online program bago mangyari ang pamamaril.

Si Lapid ay kasalukuyang broadcaster ng DWBL na may mahigit 200k followers sa Youtube at Facebook.

Dati rin siyang brodkaster ng DWIZ at DZRJ, maliban sa pagiging kolumnista ng ilang pahayagan na may kaparehong titulo ng kanyang programa sa radyo.

Patuloy pa rin na inaalam ng mga otoridad ang motibo ng nasabing insidente.

(Kiara Lauren Ibanez/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply