Manila City Hall Press Corps, NPC nanawagan ng hustisya sa pagpaslang sa isang broadcaster sa Las Pinas

Manila City Hall Press Corps, NPC nanawagan ng hustisya sa pagpaslang sa isang broadcaster sa Las Pinas

MANILA — Mariing kinondena ng mga mamahayag na kabilang sa Manila City Hall Press Club (MCHPC) kasabay ng panawagan na bigyan ng hustiya hinggil sa pagpaslang sa isang broadcaster na diumano’y kabilang ng kailang hanay.

“Kinokondena namin ang walang konsensyang pagpaslang sa isa naming kaalyado, kapatid sa hanap-buhay, at karamay sa lahat ng bagay dito sa aming media organization,” wika ni Benjie Cuaresma, chief of photogs and reporters ng Maharlika TV News nitong Martes (04 October 2022)

“Umaasa ang CHPC na mabibigyan ng hustisya ang nangyaring pagpatay sa kasamahan naming broadcaster na si Percy Lapid sa Las Pinas City kagabi,” dagdag pa ni Cuaresma.

Ayon naman kay MCHPC president Jr Reyes, “hindi dapat idamay ang media o mga mamahayag sakaling mabatikos ang sinoman dahil ang mga ito ay pawang mga mensahero lamang ng balita,” giit ni Reyes.

“Dapat, sa halip na targeting ang mga mamahayag ay harapin ng mga ito ang isyu at aksyunan para maresolba ang ano mang usapan”.

Dalangan ni Reyes at ng buong pwersa ng mamahayag ng MCHPC na mapanagot ang may sala sa naturang krimen.

NPC nanawagan din

Maging ang National Press Club (NPC) ay nanawagan din ng dagliang hustisya at paglutas sa kaso para kay Lapid.

Ayon kay NPC President Lydia Bueno ang karapatan ng bawat mediaman na malayang makapaghayag ng kanilang saloobin, pananaw at mga kaganapan sa lipunan, ay nakasaad sa Seksyon 4 ng Artikulo 3 o Bill of Rights ng Saligang Batas.

Dahil dito ay nakikiisa ang pinakamatandang samahan ng mga mamamahayag sa Pilipinas sa paghahanap ng hustisya sa pagkamatay ni Percival Mabasa, a.k.a. Percy Lapid at nakikidalamhati sa naiwan nitong mahal sa buhay.

Si Lapid ay binaril ng hindi pa nakikilalang mga suspek habang nasa loob ito ng kanyang SUV sa may Las Pinas City. (ai/mtvn)

Leave a Reply