Mga pasaway na pedestrians ayaw gumamit ng footbridge sa Quezon Ave

Mga pasaway na pedestrians ayaw gumamit ng footbridge sa Quezon Ave

Makikitang abala ang kawani ng Metro Manila Development Authority na ito sa paglalagay ng mga barrier sa ilalim mismo ng foot bridge sa panulukan ng Quezon Ave. at Edsa sa Quezon City.

Ito umano ang dahilan kaya malimit na may aksidente sa naturang lugar dahil kahit na may foot bridge ay mismo sa gitna ng kalsada tumatawid ang ilang mga pasaway na commuters.

Mahigpit na ipinagbabawal ng batas trapiko ang pagtawid sa mga pangunahing kalsada na walang pedestrian lanes ngunit sadyang may mga mangilan-ngilang pasaway pa rin na walang takot na gumagawa nito.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply