Bayong bag packs, school supplies ipinamahagi ni Mayor Sandoval sa Malabon

Bayong bag packs, school supplies ipinamahagi ni Mayor Sandoval sa Malabon

IPINAKITA nina Malabon Mayor Jeannie Sandoval (gitna) kasama si Kapitan Sheryl Nolasco ang produktong Bayong Bag Pack na gawa ng Samahan ng mga Manggagawang Nanay ng Potrero ( SAMANAPO) na ipinamahagi sa 81 day care students sa Barangay Potrero kasama ang school supplies, at mga face mask.

Sobrang natuwa naman si Mayor Sandoval sa mga bata dahil sobrang saya ng mga ito ng matanggap ang kanilang kagamitan sa pag-aaral.

Pinayuhan ng alkalde ang mga ito na pagbutihan ang kanilang pag-aaral at magsipag para sa kanilang mga magulang. (Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply