Human Rights Advocates, media workers nanawagan ng mabilisang hustisya para kay Percy Lapid

Human Rights Advocates, media workers nanawagan ng mabilisang hustisya para kay Percy Lapid

Nagsama-sama sa Rotunda, Quezon City ang mga Human Rights Advocates at ilang media workers kagabi (Martes) at nanawagan sa pamahalaan na mabigyan ng mabilisang hustisya sa insidente ng pamamaslang kay Percy Lapid na isang beteranong komentarista na pinagbabaril ng dalawang riding in tandem kamakaylan sa Las Piñas City habang ito ay papasok sa isang gate ng isang subdivision.

Habang hawak ng ibang protester ang mga karatula, nagtirik naman ng kandila ang iba bilang pagkondena sa insidente ng pamamaril at pakikiramay sa naiwang mga mahal sa buhay ng radio brodkaster.

Ang pagpaslang kay Percival ay isang dagok at hamon sa kapulisan na mapanatili ang peace and order sa bansa lalo na kapag media na ang pinapatay.

Madadalaw ang labi ni Percy Lapid sa Bonifacio Room, Funeraria Paz Manila Memorial Sucat, Parañaque City.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply