PRESIDENTIAL SON VINNY SASANAYIN SA MOTORCYCLE RIDING NG HPG

PRESIDENTIAL SON VINNY SASANAYIN SA MOTORCYCLE RIDING NG HPG

Ni Arwen Pascua

MANILA — Kalahok si presidential son at bunsong anak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na si William Vincent Marcos o Vinny sa 84 participants ng Executive Motorcycle Riding Course (EMRC) ng PNP-Highway Patrol Group na binuksan kahapon sa Camp Crame.

Nanguna sa seremonya si Philippine National Police Chief Gen. Rodolfo S. Azurin Jr. at kinumpirma na ang 84 na unang lalahok sa EMRC ng PNP-HPG ang bubuo ng Class 02-2022 at Class 03-2022.

Sinabi ng Azurin na sakop ng kurso ang kaligtasan sa kalsada habang nagmamaneho.

“Majority po ng ituturo ng ating kapulisan ay mga safety feature na karaniwan ay nakaliligtaan po maituro sa ibang training institutions. So we are assured na kapag natapos po ninyo ang ang training na ito, hindi po kayo matatakot na magmotor kahit saan dahil you will have the competence as well as confidence na kahit saan po ay kayang kaya po ninyong gamitin ang inyong mga big bike,” ayon kay Azurin.

Labing-anim na araw tatakbo ang nasabing kurso kung saan hahasain ang kakayanan ng mga participants sa paggamit ng motorsiklo.

Iba’t-ibang riding techniques at ligtas na responsableng pagmomotorsiklo ang inaasahang matutunan ng 84 na participants lalo na ang bunso ni PBBM.

May payo naman si Azurin sa bubuo ng Class 02-2022 at CL O2-2022.

“Let this journey make each one of you more effective and capable in performing your sworn duties while raising the standards of police service to eventually bring back the organization’s self-pride and regain the community’s trust and confidence through transparency and accountability,” dagdag pa ni Azurin. (ai/mtvn)

CAPTION

Si presidential son William Vincent Marcos o Vinny (kanan) kasama si Philippine National Police Chief Gen. Rodolfo S. Azurin Jr at iba pang opisyal ng PNP.

Leave a Reply