Cayetano nais tulungan ang mga Pinoy makakuha ng quality healthcare

Cayetano nais tulungan ang mga Pinoy makakuha ng quality healthcare

By Liza Soriano

MANILA — Iginiit ni Senador Alan Peter Cayetano na nais niyang tulungan ang gobyerno ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na magarantiya ang access sa de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan para sa lahat ng mamamayan.

“Nobody will argue that whenever Filipinos get sick they need treatment. The government is here to fill the gaps [in their basic needs]. That’s why we are leaders. We will supply what is lacking,” ayon kay Cayetano.

Sinabi niya ang mga ito sa isang briefing ng Senate Committee on Government Corporations and Public Enterprises sa National Health Insurance Program ng PhilHealth para sa 2023.

Ayon kay Cayetano, anim sa bawat 10 Pilipino ang namamatay nang hindi pa nagpapatingin sa doktor, habang 99 porsiyento ng mga respondent sa isang survey noong 2019 ay nagsabing hindi nila mabibili ang lahat ng mga gamot na inireseta sa kanila dahil masyadong mahal ang mga ito.

Ang nationwide household out-of-pocket expenses para sa healthcare ay umaabot din ng higit sa P400 bilyon taun-taon, na nagkakahalaga ng 44.7 porsiyento ng kabuuang gastusin sa kalusugan ng bansa.

“It cannot be that Filipinos will have nobody to turn to — whether it’s a health center, whether it’s a private or public clinic. And what gives them confidence will be their membership in PhilHealth,” ayon kay Cayetano.

(ai/mtvn)

Leave a Reply