Dating drug users ng Navotas grumadwet, repormado na

Dating drug users ng Navotas grumadwet, repormado na

May 35 na Navoteño na dating lulong sa ipinagbabawal na gamot ang
naka-graduate sa Bidahan, community-based treatment and rehabilitation
program ng pamahalaang lungsod ng Navotas.

Layunin ng pamahalaang lungsod na sila ay mamonitor upang tuluyan nang
magbago ang kanilang buhay at maging produktibong mamamayan
ng lungsod para sa kanilang mahal sa buhay.

Ang Bidahan ay binubuo ng anim na buwan na Community-Based Drug
Rehabilitation Program (CBDRP) at panibagong anim na buwan matapos ang
gamutan. (Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply