PBBM tutulungan ang mga magsasaka

PBBM tutulungan ang mga magsasaka

By Liezelle Soriano

MANILA — Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pangangailangan na mapabuti ang sektor ng agrikultura ng bansa at kalagayan ng mga Pilipinong magsasaka at mangingisda.

Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng Agrilink, Foodlink at Aqualink 2022, sinabi ni Marcos na kaisa ng sektor ng agrikultura ang administrasyon niya para tulungan ang mga magsasaka, kabilang na rito ang pagbibigay ng fuel discount.

“We will build ourselves back better together with the people who have been our bedrock of strength and of sustenance, even the most challenging times,” ayon sa Pangulo.

“But the work to improve our agricultural sector and improve the plight of our farmers and fisherfolk has only just begun. We need to continue to open more opportunities to improve their wellbeing,” dagdag pa ni Marcos.

Gayunpaman, sinabi ni Marcos, na siya ring kalihim ng Department of Agriculture, ay nagpahayag ng kumpiyansa na ang Pilipinas ay magiging isang nangungunang agricultural resource hub sa mundo.

“With our energies and resources combined, I am confident that we will not only achieve our goal of feeding the Filipino people but also achieve our dream of making the Philippines a leading agricultural resource hub in the region and the world,” ani Marcos.

(ai/mtvn)

Leave a Reply