Taguig City rescuers mabilis na nakaresponde sa naaksidenteng ginang na backrider ng motor

Taguig City rescuers mabilis na nakaresponde sa naaksidenteng ginang na backrider ng motor

MANILA — Mabilis na nakaresponde ang mga medic rescuer ng Taguig City kagabi
sa isang backrider na ginang matapos na sila ay mabangga ng isa ring
motorcycle rider na nakilalang si Paul Delos Reyes Galves sa C5 Road,
Taguig City.

Ayon sa rider, nasagi daw s’ya ng isang motorista kaya nawalan ng
kontrol ang kanyang motorcycle at tuluyan n’yang nabangga ang kapwa
n’ya ring rider na angkas ang ginang.

Mabilis namang naisugod sa
malapit na hospital ang ginang na iniinda ang kanan tuhod niya ngunit mabilis namang nalapatan ng paunang lunas siya ng mga rescuer.

Lubos namang nagpasalamat ang mga kaanak ng ginang sa mga umalalay
at tumulong sa kanila na mga miyembro Taguig City Rescue Team, mga pulis, kagawad ng MMDA at ilang kapwa rider na napadaan sa naturang insidente.
(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply