CA, best performer ngayon 19th Congress — Zubiri

CA, best performer ngayon 19th Congress — Zubiri

By Liza Soriano

MANILA — Napatunayan ng Commission on Appointments (CA) sa ilalim ng 19th Congress na pinakaproduktibo ito at mahusay, sa ngayon, na nagkukumpirma sa mahigit 150 appointments at nominasyon sa loob ng unang ilang buwan ng administrasyong Marcos.

Iniulat ni Senate President at CA chairperson Migz Zubiri na kinumpirma ng bicameral appointments body ang walong miyembro ng Gabinete, dalawang miyembro ng constitutional commissions, 28 diplomats, isang miyembro ng Judicial and Bar Council, at kabuuang 113 opisyal ng militar sa pagitan ng Hulyo 25 at Setyembre 30, 2022.

“This current Commission on Appointments has been one of the best performers of the last four administrations vis-à-vis the same periods during the beginning of a new administration,” wika ni Zubiri.

Ayon pa kay Zubiri, mas maganda ang performance ng 19th Congress CA kumpara sa mga nakaraang Kongreso sa pagsusuri at pagkumpirma sa mga appointment ng Cabinet secretaries.

Binanggit niya ang mga rekord para sa parehong panahon mula sa 17th Congress, kung saan kinumpirma ng CA ang pitong miyembro ng Gabinete; at mula sa 15th Congress, kung saan walang miyembro ng Gabinete ang nakumpirma; at mula sa 13th Congress, kung saan isang department secretary lamang ang nakumpirma.

Ang CA na pinamumunuan ni Zubiri ay nagsasagawa ng mga pulong ng komite at mga sesyon ng plenaryo tuwing Martes at Miyerkules.

“We take our job very seriously. Because the Commission on Appointments has the constitutional duty to confirm the President’s appointees in the most expeditious and efficient manner,” ani Zubiri.

“However, the Commission is never ministerial, perfunctory, or clerical. That’s why we hold long hours [of meetings]. It’s important that we vet the secretaries and not be a rubber stamp,” dagdag pa niya.

“We are doing our job and we are doing it quite efficiently, judiciously.”(ai/mtvn)

Leave a Reply