28 na pamilya ng Maynila ginawaran ng lupa

28 na pamilya ng Maynila ginawaran ng lupa

MANILA — Pinangunahan nila Mayor Honey Lacuna-Pangan, Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto, at Manila Urban Settlements Office (MUSO) Officer-in-Charge Atty. Cris Tenorio ang paggawad ng lupa sa 28 na pamilya mula sa District 2, 3, at 4 noong ika-7 ng Oktubre sa tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila.

Naroroon rin ang Kalihim ng Punong Lungsod na si Atty. Marlon Lacson, mga konsehal mula sa District 2 na sila, Konsehal Rodolfo “Ninong” Lacsamana at Konsehal Darwin “Awi” Sia, mga konsehal mula sa District 3 na sina Konsehala Johanna Maureen “Apple” Nieto-Rodriguez, Konsehal Terrence Alibarbar, Konsehala Pamela “Fa” Fugoso, at mga konsehal mula sa Distrito IV na si Konsehal Louisito “Doc Louie” Chua.

Ang mga nasabing lupa ay matatagpuan sa Dimayuga Estate, Janda Estate, Alfonso Tuazon Estate, Rita Legarda Estate, at Jose Fajardo Estate.

Ito ay parte ng programang “Land for the Landless” kung saan ang mga kwalipikadong Manileño ay gagawaran ng lupa na siyang aabonohan ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na kanilang unti-unting babayaran sa loob ng 30 na taon.

Paalala lamang ng alkalde na huwag sana makalimot ang mga ginawaran ng lupa sa responsibilidad ng pagbabayad upang magamit ito para makatulong sa iba pang kwalipikadong Manileño na walang lupa.

“Sikapin po natin na maibalik natin sa pamahalaang lungsod ang pagsisikap namin para sainyo,” aniya. (KIARA LAUREN IBANEZ/ai/mtvn)

Leave a Reply