DSWD SAP distribution dinagsa sa Navotas

DSWD SAP distribution dinagsa sa Navotas

DINAGSA ang unang araw ng payout ng second tranche ng Social
Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and
Development (DSWD) sa Navotas nitong Sabado (08 Oct 2022).

Ito ay ayudang inilaan ng pamahalaan bilang bahagi ng Bayanihan 1 upang tugunan ang hamon na dulot ng pandemya sa mamamayan.

Umabot diumano sa 1,775 na maga Navoteño ang nakatanggap ng P5,000 na tulong pinansyal.

Nauna nang nagpamahagi ang pamahalaang lungsod noong Marso ng tig-P3,000 sa mga benepisyaryo ng programa na kulang o hindi pa
nakatanggap ng second tranche ngunit na-validate na ng DSWD.

(Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply